Boy Meron Akong Kwento! Seaman Naging Albularyo

Ito ay isang kwento hango sa isa sa mga kwento ng Boy Meron Akong Kwento ni Cong TV kung saan tampok ang isang seaman na naging albularyo.

Isang Seaman Na Naging Albularyo

Isang araw, mayroong isang seaman na nag-aapply makasakay sa barko. Nag-apply siya sa iba’t ibang agency ngunit hindi siya mapalad na natanggap.

Makalipas ng isang buwan na pag-aapply, wala talagang nakatanggap sa kanya. Sabi niya sa sarili, “kailangan ko na magbago ng hanap buhay!” Kaya ngayon, naisipan niyang maging albularyo.

Nakahanap siya ng lagur na pangtatambayan sa Makati. Sumulat siya sa isang karatula at ito’y itinayo upang makita ng mga dumadaan na tao.

“PAGAGAMUTIN KO ANG MGA KARAMDAMAN NIYO. KAPAG GUMALING KAYO, BAYAD AY 500 PISO. SUBALIT, KAPAG HINDI KAYO GUMALING, BIBIGGYAN KO KAYO 1000 PISO!”

Isang araw, may dumaan ng isang doktor at nakita ang karatula ng albularyo. Sabi niya sa sarili, “Duda ako sa expertise nitong albularyo! Subukan ko nga!” Lumapit siya. “Manong albularyo, nawalan ko kasi ako ng panlasa”, sabi ng doktor. “Makiki-abot yung bote diyan”, sagot ng albularyo. Ipinasa ng doktorang bote at kinuha nito ng albularyo. “Ilabas mo dila mo at papatakan ko nito”, sabi ng albularyo.

“Gas po ito, manong!”, napasigaw ang doktor. “Magaling ka na!”, sabi ng albularyo at hinigan ng 500 piso ang doktor bilang kabayaraan.

“Nautakan ako ng albularyo! Bukas, babalikan kita.”

Kinabukasan, bumalik ang doktor. Lumapit siya sa albularyo, “parang nakalimutan ko yung mga nangyari kahapon. Gamutin niyo po ako.” Sabi ng albularyo, “Makiki-abot yung bote diyan at ilabas mo ang iyong dila.” Nung ipapatak na ng albularyo ang gas sa dila ng doctor, biglang napasigaw ang doktor, “Sandali lang po. Iyan po yung gas kahapon!” Sagot ng albularyo, “MAGALING KA NA!”. Kaya nagbayad uli ang doktor ng 500 piso.

Sa loob-loob ng doktor, sabi nya “babalik ako bukas at ‘pag ako napagaling mo ay magbibitiw na ako aking katungkulan.”

Kinabukasan, bumalik ako doktor. Sabi niya sa albularyo, “Lumabo po ang mata ko! Tulungan niyo po ako.” Ngunit tumanggi ang albularyo – “Hindi kita kayang pagalingin”. May kinuha siya sa kanyang pitaka, “ibabalik ko na 1000 piso”.

At ibinalik nga ng albularyo ang 1000 piso sa doktor. Ngunit nung tinignan ng doktor ang inabot sa kanya, “limang daan lang po ito, manong!”

“Magaling ka na!”, ang banat ng manong albularyo! At ayun, nagbayad ulet ang doktor.

Panoorin ang Video Ng Cong TV

Panoorin ang Boy Meron Akong Kwento sa umpisa ng Cong TV video na may pamagat na Hiling.

Do you have a story for the PinoyStack.com Team?

Email us at story@pinoystack.com or message us at PinoyStack.com Facebook Page. Interact with the team and join the PinoyStack.com community. Let's write for the Filipinos and make a difference!

You Might Also Like