Boy Meron Akong Kwento! Anting-anting Na Panyo

Ito ay isang kwento hango sa isa sa mga kwento ng Boy Meron Akong Kwento ni Cong TV tungkol sa mahiwagang anting-anting na panyo.

Anting-anting na Pamana Ng Lolo

Naaalala ni Pedro ang kanyang lolo. Bago pumanaw ang kanyang lolo, hinabilin sa kanya ang isang panyo na may anting-anting. “Kapag nasa bingit ka ng kamatayan, buksan mo ang panyo at basahin mo ang nakasulat. Maililigtas ka ng anting-anting na ito!”, sabi ng kanyang lolo. Simula noon, lagi na niya dala ang panyo.

Isang gabi, habang si Pedro ay pauwe. May mga masasamang loob na lalake sa kalye na kursonata siya. “Hoy! Ano?!”, hamon ng isang lalake. Sinundan siya ng mga kalalakihan at isa sa kanila naglabas ng baril. Sa takot ni Pedro, bumilis ang kanyang lakad at bigla niya naalala ang panyo ng kanyang lolo.

Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa ng maong. Dahan-dahan niya ito binuksan. Sa kasamaang palad, napadpad siya sa madilim na lugar.

“Hindi ko mabasa ang nakasulat!”. Kaya tuloy lang ang kanyang lakad hanggang maabot niya ang isang 7-11 na tindahan. Kahit tuloy ang pagsunod sa kanya ng mga hindi kilalang kalalakihan, saglit siyang tumigil sa maliwanag na lugar sa labas ng tindahan. “Sa wakas! Mababasa ko na ang nakasulat dito na panyo”, sabi niya sa sarili.

Lumaki ang kanyang mga mata habang binasa ang nakasulat: “APO, TUMAKBO KA NA! KAPAG NAKALIGTAS KA, ITONG PANYO GAMITIN MO PAMUNAS NG PAWIS!”

At kumaripas ng takbo si Pedro habang maabutan ng siya ng mga lalake. Sa labis na takot, naiwanan ni Pedro ang panyo.

Pagdating ng bahay, napamura siya! Ang akala niyang anting-anting na panyo ay hindi pala agimat at walang bisa.

Panoorin ang Video Ng Cong TV

Panoorin ang kwentong ito tungkol sa anting-anting na panyo sa Boy Meron Akong Kwento video ni Cong TV video na may pamagat na ISPARING.

Do you have a story for the PinoyStack.com Team?

Email us at story@pinoystack.com or message us at PinoyStack.com Facebook Page. Interact with the team and join the PinoyStack.com community. Let's write for the Filipinos and make a difference!

You Might Also Like